Julian Ongpin, humarap sa preliminary investigation ng DOJ kaugnay ng kanyang drug case

Humarap kanina sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) si Julian Ongpin, ang isinasangkot sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Si Ongpin ay dumating sa DOJ kasama ang kanyang abogado.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagsumite ng kanyang kontra-salaysay si Ongpin sa reklamong possession of illegal drugs.


Hiniling naman ng respondent na si Ongpin na mabigyan siya ng kaukulang panahon para pag-aralan ang supplemental affidavit na inihain naman ng Philippine National Police (PNP).

Bunga nito, ni-reset ang preliminary investigation sa October 8, 2021 dakong alas-10:00 ng umaga para sa paghahain ng mga karagdagang affidavit.

Bukod sa kampo ni Ongpin, humarap din kanina sa DOJ ang panig ng complainant sa pamamagitan ng mga arresting officer at SOCO team ng PNP.

Facebook Comments