Bernadette Sembrano pinag-iingat ang publiko sa pag-inom ng milk tea

Images from Bernadette Sembrano's IG account.

Sa pamamagitan ng social media, ikinuwento ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano ang naging karanasan matapos bumili ng milk tea sa isang tindahan sa Greenbelt, Makati.

Batay sa Instagram post ng TV Patrol at Salamat Dok anchor, may napansin silang kulay itim na insekto na mukhang black pearl.

“To milk tea lovers — what do you think that black thing is? Ewwwww. Na-higop ni asawa!!! (the milk tea company replied na – they will investigate daw. This is in Greenbelt Makati),” caption ni Sembrano.


Hindi naiwasan mandiri ng ilang milk tea lovers at netizens sa ibinahagi ng batikang mamamahayag.

Teorya ng iba, ipis ang nahigop ni Emilio Aguinaldo IV, maybahay ni Sembrano.

Biro naman ng ilang social media users, tea leaves na hindi nasala ng maayos ang nakita nila.

 

From Bernadette Sembrano’s comment section on Instagram.

Ayon sa kapwa-mamamahayag na si Nina Corpuz, mukhang hindi na siya bibili sa nasabing shop nang mabalitaan ang insidente.

Mabilis naman umaksyon ang nasabing establisyimento kung saan binili ng mag-asawa ang inumin.

Nabatid ng pamunuan na panandaliang ipapasara ang naturang branch para magsagawa ng “sanitary inspection”.

Sasagutin din ng kompanya ang pagpapagamot sa kabiyak, kung sakaling may mangyari matapos inumin ang milktea.

“So far ok pa naman kami. Thank you po for taking action,” ani Sembrano.

Facebook Comments