Bersyon ng Oplan Tokhang na layong tutukan ang mga tindahan na nagbebenta ng mga substandard na produkto, sinimulan nang Dept. of Trade and Industry

Manila, Philippines – Nagsimula na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang bersyon ng “Oplan Tokhang” kung saan ang target ay ang mga tindahan na nagtitinda ng substandard na produkto.

Ayon kay DTI-Fair Trade Enforcement Bureau Officer in Charge Ferdinand Manfoste – partikular na titingnan nila ang product standard mark na batayan kung dumaan ba sa pagsusuri ng safety at quality ang mga produkto.

Aniya – ang pag-iikot ng ahensya ay para masigurado na sumusunod ang mga tindahan sa fair trade law at consumer act.


Umaasa rin ang DTI na makakatulong ang mga consumer sa pagre-report ng mga substandard na produkto sa binuksan nilang hotline na 0917-834-3330.

*

Facebook Comments