Unang taon ni Pangulong Duterte sa Malakanyang, mamarkahan sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Mamarkahan na sa susunod na linggo ang unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Biro ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella – sa dami ng kinakaharap na problema ng Administrasyong Duterte, tila ilang taon na silang nasa pwesto.

Kasabay nito – nilinaw ng palasyo na walang kinalaman ang bantang seguridad sa hindi pagpapakita ng pangulo sa publiko ng ilang araw.


Ayon kay Abella – hindi pa tapos ang pagpapahinga ng pangulo.

Para naman kay Senador Antonio Trillanes ay lagapak ang unang taon ng pangulo.

Dagdag pa ng senador, huwag mag-alala sa kalusugan ng pangulo dahil naniniwala siya na hahaba pa ang buhay nito.

Sa kabila nito, iisa lang ang hiling ng palasyo sa unang anibersaryo ng pag-upo ng pangulo — ito’y ay ang pagkakaisa.

*

Facebook Comments