BEST ACTOR AWARD | Joross Gamboa, hindi umaasa kahit gustong gusto manalo

Manila, Philippines – Hindi raw nape-pressure Joross Gamboa na masungkit ang “Best Actor Award” para sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matapos kasing ipalabas ang trailer ng pinagbibidahan niyang MMFF movie entry na “Deadma Walking” marami agad ang nagsasabing baka si Joross ang tanghaling best actor.

Kasama ng aktor sa pelikula si Edgar Allan na kapwa gay ang role.


Say ni Joross, hindi siya umaasa kahit gustong-gusto niyang manalo.

Ang mahalaga aniya, ginawa niya ang best niya sa trabaho at bonus na lang kung tatanghalin siyang best actor.

Sa December 25 na mapapanood ang mga pelikulang tampok sa 2017 MMFF.

Facebook Comments