Sa ating panayam kay SJO 3 Magielyn Bucad, Chief Admin ng Cauayan District Jail, napanatili ng piitan ang naturang parangal para sa Calendar Year 2021-2022.
Nakamit aniya nila ito dahil sa walang naitalang hindi kanais-nais na pangyayari o insidente sa loob ng kulungan; napanatili ang pagiging 100% COVID-19 Free at dahil sa pagpapaigting ng kanilang mga best practices gaya ng pagbibigay ng mga livelihood activities, regular check-up at monitoring sa mga PDLs.
Bukod dito ay ang pagiging suportado ng Cauayan District Jail sa lahat ng mga aktibidades ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, para mapanatili ang kanilang titulo ay sinabi pa ni SJO3 Bucad na lalo pa nilang palalawigin ang kanilang mga magagandang kasanayan o best practices lalo na ang kalusugan at kapakanan ng mga nakapiit ganun din ang mga personnel.
Isa na rito ang patuloy na pagmonitor ng mga paralegal officer sa mga kaso at kalusugan ng mga PDL, pagbibigay ng gamot at bitamina sa mga may sakit na PDL at maigting na pagbabantay sa mga pumapasok at bumibisita sa loob ng kulungan para iwas sa mga kontrabando.
Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni SJO3 Magielyn Bucad ng Cauayan District Jail