Umapela ang grupo ng health workers na turukan sila ng “best” COVID-19 vaccine bilang booster shots gaya ng Moderna at Johnson and Johnson.
Ayon sa pangulo ng St. Luke’s Medical Center Employees Association na si Jao Clumia, karamihan sa kanila ay naturukan ng Sinovac at AstraZeneca ngunit bumababa naman ang antibodies nito makalipas ang ilang buwan.
Sa kasalukuyan ay nasa 16,000 na healthcare workers ang nagtatrabaho sa 12 ospital ng St. Lukes na mangangailangan ng booster shots.
Samantala, sinabi naman ng Secretary General ng Filipino Nurses United na si Jocelyn Andamo na welcome para sa kanila ang pagbibigay ng booster shots.
Pero sa kabila nito, umaapela pa rin ang grupo na ibigay na ang mga benepisyo ng health workers lalo na’t karamihan sa kanila ang wala pang natatanggap kahit matagal nang isinumite ang mga requirements.