Best Home Workout Routines

Nais mo bang maging fit at sexy sa kabila ng pagiging busy sa trabaho,academics at mga responsibilities?  Tamang tama! narito ang ilang mga work out tips and steps para sa iyo!

STEP 1  #FOCUS AND RELAX

Bago magsimula  sa lahat kinakailangan muna ng meditation. Ang meditation ay isang praktika na isinasagawa upang maabot ang kalmadong yugto ng pagiisip


STEP 2  #STRETCHING AND WARM UP

Upang maging ligtas at epektibo ang ehersisyo,bago magsimula  sa page-ehersisiyo ay kinakailangan nating painitin ang katawan  sa pamamagitan ng stretching  at magagaang galaw.

STEP 3  #WORK OUT

  • Supermans

Ito ay ehersisyong  tila super heo na lumilipad habang naka lapat ang katawan sa sahig sa tila may inaabot sa dulo kamay at paa.

  • Push-up

Ito ay ehersisyong  na pagbuhat ng katawan habang nakalapat ang kamay ng magkahiwalay at paa ng magkadikit sa sahig.

  • Contralateral Limb Raises

Ito ay ehersisyong  pagtaas ng kamay at paa ng salitan habang naka dapa.

  • Bent Knee Push-up

Ito ay ehersisyong   pagbuhat ng katawan gamit ang kamay  habang nakalapat ang tuhod at paa sa sahig

  • Downward-facing Dog

Ito ay ehersisyo na dahan dahang pagtaas ng balakang na tila pusang kumakalmot sa sahig.

  • Bent-Knee Sit-up / Crunches

Ito ay ehersisyo naka higa at  pagtaas ng ulo kaasama ang kamay habang nakahwak at magkadikit ang paa at naka taas ang tuhod.

  • Push-up with Single-leg Raise

Ito ay ehersisyo na tila nagpu push up  na habang pababa ang katawan ay siya ring pagtaas ng paa ng salitan

  • Front Plank

Ito ay ehersisyong  pagtaas ng katwan kabang nakalapat sa sahig ng magkahiwalay ang ang kamay at siko habang magkadikit ang paa

  • Side Plank with Bent Knee

Ito ay ehersisyong  nakatagilid  napagtaas ng balakang habang naka tuon ang siko at kamay sa sahig.

  • Supine Reverse Crunches

Ito ay ehersisyong  pagtaas ng paa ng sabay habang  nakalapat likod at dalawang braso sa sahig

  • Cobra

Ito ay ehersisyong  naka posturang dapa at pagtaas ng katawan gamit ang kamay habang naka lapat ang paa at hita sa sahig

Squat Jumps

Ito ay ehersisyong  pag bend ng tuhod ng mababa at pagtalon ng mataas.

  • Forward Lunge

Ito ay ehersisyong  pag baba  ng isang tuhod sa sahig habang tuwid ang katwan at isang paa namana ay naka steady para sa balance.

  • Glute Activation Lunges

Ito ay ehersisyong  pag ekis ng paa at paglapat ng isang tuhod sa sahig at pag harap ng  sa gilid ng naka arms sideward

  • Hip Rotations (Push-up Position)

Ito ay ehersisyong   tila naka posisyong push up at stretch ng tuhod patagilid hanggang  pabalik sa .posisyon


Article written by Karl Dianquinay

Facebook Comments