Best practices sa ibang bansa ng mga fully vaccinated individual, posibleng ipatupad din dito sa Pilipinas

Ihahain na sa mga susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force o IATF ang rekomendasyon para sa insentibo ng mga bakunado na laban sa COVID-19, at mga disinsentibo ng mga hindi pa nababakunahan laban sa virus.

Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, sa ganitong paraan, mapapabilis at mapadadami ng pamahalaan ang mga tatangkilik sa bakuna.

Sa kasalukuyan kasi aniya, bagama’t sobra na ang supply ng bakuna sa bansa, nagiging problema naman ngayon ang kakaunting bilang ng mga nagpapabakuna.


Ayon sa kalihim, imumungkahi nila ang pagsunod sa best practice na ipinatutupad ng Estados Unidos, Japan, Singapore, at South Korea, kung saan mahigpit ang implementasyon ng mga patakaraan para sa mga vaccinated at unvaccinated individuals.

Sa mga bansang ito aniya, limitado lamang sa mga bakunadong indibidwal ang pagpasok sa mga indoor places tulad ng restaurant at sinehan, maging ang turismo.

Pormal na aniya nilang ihahain sa IATF ang rekomendasyong ito upang mas maraming Pilipino ang mahikayat na magpabakuna.

Facebook Comments