Beteranang singer na si Ivy Violan, binigyang parangal sa Aliw Awards 2020

Nagpapasalamat ang beteranang singer na si Ivy Violan sa natanggap niyang parangal mula sa Aliw Awards 2020 na Lifetime Achievement Recognition.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng RMN Manila, sinabi ni Ivy na natutuwa siya dahil sa mga taong sumuporta at sumusuporta pa sakanya hanggang ngayon.

Aniya, hindi niya makukuha ang naturang award kundi dahil sa mga taong nagmamahal sakanya.


Nagbigay payo rin si Ivy sa mga aspiring singer ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa na madaling sumikat pero kung may passion at dedikasyon sa ginagawa hindi imposibleng matupad ang lahat na pangarap.

Dagdag pa niya, importante rin na nag-eenjoy sa ginagawa o sa buhay at kailangan marunong magshare ng talento sa bawat isa.

Si Ivy Violan ay nakilala sa ilang pumatok na kanta niya tulad ng; Hanap-Hanap, Ikaw ang Aking Daigdig, I Could Fall In Love, Where Do I Begin at Bakit Ikaw Pa.

Facebook Comments