Beteranong aktor na si Lito Legaspi, namatay na

Images via IMDB

Binawian na ng buhay ang beteranong aktor na si Lito Legaspi sa edad na 77.

Batay sa ulat, namatay si Legaspi bandang alas-10:00 ng umaga nitong Linggo dahil sa cardiac arrest.

Isinugod ang aktor sa Cardinal Santos Medical Center noong Biyernes makaraang makaramdam ng paninikip ng dibdib.


Naulila ni Lito ang mga anak na sina Zoren, Kier, Brando at Jupiter at kaniyang estranged wife na si Hershey.

Sumabak sa mundo ng showbiz si Legaspi noong 1959 at sumikat bilang isa sa mga matinee idol ng Sampaguita Pictures.

Taong 2017 nang maging parte si Lito ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kasalukuyang nakaburol ang aktor sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City.

Facebook Comments