Beteranong Brodkaster At Dating Mambabatas Bobby Guanzon, Pumanaw Na

9

MANILA – Sumakabilang buhay na ang beteranong brodkaster at dating mambabatas na si Roberto “Bobby” Guanzon sa edad na 69.Ala-una ng madaling araw noong linggo pumanaw si Guanzon dahil sa cardiac arrest.Setyembre ng ma-diagnose na malignant na ang kanyang sakit na lung cancerSi Guanzon ay naging radio commentator ng DZXL-558 Radio Mindanao Network (RMN-Manila) kung saan naging host siya ng programang “abot-kamay” kasama sina Mario Garcia at Rey Nadal noong 2011.Naging co-host din siya sa programang Straight to the Point kasama si Ely SaludarBukod dito naging pioneering anchor din si Guanzon ng DZXL noong 1980’s kasama sina Mel Tiangco at Jay Sonza.Noong 1995 nang pumasok ito sa pulitika at naging kinatawan ng unang distrito ng Caloocan hanggang 1998.Nakalagak ang mga labi ni Guanzonsa kanyang tahanan sa bf homes, Caloocan City.Samantala, ililipat sa cosmopolitan memorial chapel sa Quezon City ang kanyang mga labi sa Miyerkules (Dec 21).Nakatakdang ilibing si “Cong. Bob” sa Sabado, Dec 24.

Facebook Comments