Miscellaneous Fee At Dorm Expenses Sa Mga Sucs, Pinag-Aaralan Ng Gawing Libre

3

MANILA – Bukod sa libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges sa susunod na academic year pinag-aaralan na rin ang paglalaan ng dagdag na pondo.Ayon kay Sen. Loren Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance – ito ay para gawing libre ang miscellaneous fees at dorm expenses ng mga estudyante.Sabi pa ni Legarda, maghahanap siya ng mapagkukunan ng pondo para maging libre na ang miscellaneous fees at dorm expenses ng mga mag-aaral sa SUC.Maglalaan din aniya ng tatlong daang milyong piso, mula sa 8.3 bilyong pisong pondo ng Commission on Higher Education para sa matrikula ng mga estudyanteng gustong maging doktor.

Facebook Comments