
Wala pang warrant of arrest na ipinalalabas laban sa beteranong mamamahayag na si Orlan Mauricio kaugnay sa pagpatay sa pulis na itinapon sa septic tank sa Bulacan.
Ito ang nilinaw Malolos Police chief Col. Rommel Geneblazo sa panayam ng Meet the Press.
Sa harap na rin ito nang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na apat pang suspek ang pinaghahanap at kasama rito ang nasabing peryodista.
Ayon pa Police chief Col. Geneblazo sa ngayon ay umuusad pa lang ang preliminary investigation sa kasong accessory to murder na isinampa ng mga awtoridad sa Malolos City Prosecutor’s Office.
Napadalhan na rin ng subpoena ang beteranong journo noong Lunes, February 9
Umaalma naman ang kampo ni Mauricio dahil sa kabila na wala pang warrant of arrest laban sa beteranong journo ay kapansin-pansing bantay-sarado na ng pulis ang kanilang bahay at opisina sa Malolos.










