Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang “red tide” alert sa ilang lugar sa Visayas at sa Palawan.
Sa inilabas na Shellfish Bulletin # 20 ng BFAR, ipinagbabawal muna ang pagkain ng shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan sa mga sumusunod na lugar:
• Puerto Princesa Bay, sa Puerto Princesa City sa Palawan
• sa mga coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
• Tambobo at Siit Bay, sa Siaton at Bais Bay, sa Bais City sa Negros Oriental
• coastal waters ng Daram Island at San Pedro Bay sa Western Samar
• Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
• Matarinao Bay sa Eastern Samar
• Balite Bay, sa Mati City sa Davao Oriental
Nananatili ring positibo sa red tide toxin ang Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Kasama rin dito ang mga coastal water ng Milagros sa Masbate, Zumarraga at Irong-irong Bay sa Western Samar.