Pagtatayo ng Cardona Ferry Terminal, sisimulan na bukas

63
Photo Courtesy: Municipality of Cardona, Rizal | Facebook

Sisimulan na bukas, Huwebes, Oktubre 8, 2020, ang groundbreaking ceremony sa konstruksyon ng Cardona Ferry Terminal.

Ayon sa pamunuan ng Cardona Rizal Government, malaking kaginhawaan ang Cardona Ferry Terminal sa pagbiyahe ng mga residente sa lalawigan ng Rizal.

Inaasahan na rin na lalong darami ang mga investor sa lalawigan dahil sa nasabing proyekto.

Bahagi ng plano na maitatag ang Laguna Lake Ferry Network para mapabilis ang biyahe ng mga Rizaleño mula sa Cardona papuntang Guadalupe, Makati Station.

Nag-ugat ang pagtatayo ng Ferry Terminal dahil matagal nang reklamo ng mga Rizaleño ang maraming oras na ginugugol nila sa pagbiyahe ng tradisyunal na ruta patungong Metro Manila at pabalik.

Facebook Comments