BFAR, nagbabala sa pagkain ng alimangong “kuret”

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng isang uri ng alimango na tinatawag na “kuret”.

Ito’y matapos suriin ng BFAR ang nasabing alimango na dahilan ng pagkalason ng dalawang pamilya kung saan dalawang batang magkapatid ang namatay matapos kumain ng kuret sa Barangay Tangatan, Sta. Ana, Cagayan.

Sa abiso ng BFAR, ang alimango na may scientific name na ‘zozymus aenus’ ay sadyang may taglay na toxins o lason at hindi dapat kinakain.


Ang mga species na ito na hindi pwedeng kainin ay makikilala sa mga hindi pangkaraniwang itsura.

Ilan sa mga ito ay makukulay o may batik- batik na shell o balat.

Facebook Comments