Mga transmission lines at pasilidad ng NGCP, hindi apektado ng pananalasa ng Bagyong Auring

28

Walang naging epekto sa mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pananalasa ng Bagyong Auring sa ilang rehiyon sa bansa.

Hanggang ngayong umaga ay normal ang transmission operations at facilities ng NGCP.


Tinitiyak ng NGCP na may mga paghahanda silang ginagawa upang malimitahan ang epekto ng bagyo sa transmission operations at facilities.

Nakaposisyon pa rin ang mga line crews sa mga strategic area upang mabilis na makapagsagawa ng restoration.

Facebook Comments