BFAR, naglabas ng ‘red tide’ warning

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mapanganib pa ring manghuli ng shellfish sa apat na lugar sa bansa dahil positibo pa rin ang mga ito sa paralytic shellfish poison.

Sa abiso ng BFAR, lahat ng uri ng alamang na makukuha sa sumusunod na lugar ay hindi pwedeng kainin:

  • Baybayin ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol
  • Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental
  • San Pedro Bay sa Western Samar
  • Lianga Bay sa Surigao del Sur

Pero nilinaw ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin basta ito ay sariwa at nahugasang mabuti at ang mga internal organs nito tulad ng hasang at bituka at natanggal bago lutuin.

Facebook Comments