BFAR, naglabas ng ulat hinggil sa ilang bahagi ng karagatan na positibo sa red tide

Naglabas ng ulat ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) hinggil sa ilang mga karagatan na positibo sa red tide.

Ayon sa BFAR, ang karagatan ng Daram Island at San Pedro Bay sa Western Samar ay positibo sa red tide habang pito naman ang positibo sa paralytic shellfish poison.

Mahigpit na paalala ng BFAR na hindi ligtas kainin ang mga shellfish at alamang na nakukuha sa lugar.


Kasama rin dito ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Palawan; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Kabilang din ang Tambobo at Siit Bays sa Siaton town; Bais Bay sa Bais City, Negros Oriental; Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental at Lianga Bay at coastal waters sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Facebook Comments