Wednesday, March 11, 2026

BFAR, naglatag ng mekanismo upang maayos na makararating ang fuel subsidy sa mga magsasaka

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquaric Resources (BFAR) na maayos na maipapamahagi sa mga mangingisda ang fuel subsidy sa gitna ng krisis sa langis .

Ayon kay BFAR Spokesman Nazario Briguera, may mga mekanismo silang pinaiiral para siguradong mga lehitimong benepisyaryo ang mabibigyan ng one time na ₱3,000 fuel subsidy.

Aniya , mayroong registry system ang BFAR para malaman kung sino sino ang mga mabibigyan.

Ipinagmalaki pa ni Briguera na nangyari na noon ang pamamahagi ng fuel subsidy at wala namang naging problema.

Una nang naghayag ng pangamba ang grupong PAMALAKAYA sa distribusyon ng fuel subsidy, dahil tulad ng ibang ayuda, napupulitika na rin ito kung saan pili lang ang nabibigyan ng tulong.

Facebook Comments