BFAR, nagpaalala sa publiko, makaraang magpositibo sa red tide toxin ang Matarinao Bay sa Eastern samar.

Nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na mag-ingat sa pagbili at pagkain ng mga shellfish.

Ito ay dahil sa nagpositibo sa red tide toxin ang nakuhang mga sample ng shellfish mula sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Bukod dito, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison o nakalalasong red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay Province.

Dahil dito ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nagmula sa nabanggit na mga lugar ay hindi ligtas para sa pagkonsumo ng tao.

Gayunman, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t tiyaking sariwa at kailangang tanggalan ng bituka at hasang tsaka hugasang mabuti bago lutuin.

Facebook Comments