Pinaghahanda na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga mangingisda sa potensyal na hamon na idudulot ng El Niño sa sektor ng pangisdaan ngayong taon.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona asahan nang maapektuhan ng sobrang init ng panahon ang fisheries production at livelihood ng mga libu-libong mangingisda at mga stakeholder pati na ang pamahalaan.
Sa ngayon, may paghahanda na ang BFAR upang mabawasan ang magiging epekto ng El Nino .
Halimbawa nito ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng awareness and information campaign, monitoring at pagpapalabas ng red tide bulletins.
Inilabas na rin ng BFAR ang listahan ng government interventions na maaaring ma avail ng maapektuhang mga mangingisda.
Ilan dito ang probisyon ng Livelihood Assistance sa mga fisherfolk communities, input assistance tulad ng seaweed seedlings, tilapia fingerlings at oyster rafts, Fish Health Laboratory Services at iba pa.