BFAR, nilinaw na walang outbreak ng sakit sa mga tilapia at hipon sa Calabarzon

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang outbreak ng sakit sa mga tilapia at hipon sa Taal Lake at Laguna de Bay sa Calabarzon.

Ayon kay BFAR-National Integrated Fisheries Technology Development Center Chief Westly Rosario, ligtas kainin ang mga nahuling tilapia at hipon sa Ilocos Region.

Hindi rin aniya sakit ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito, dahil kulang sa oxygen ang tubig kasunod ng pagbabago ng lagay ng panahon.


Pina-alalahanan naman ng BFAR ang publiko na sumunod sa biosecurity measures gaya ng regular na paglilinis at pagpapalit ng tubig, para makaiwas sa sakit na White Spot Syndrome, Acute Hepatopancreatic Necrosis Disease, at Tilapia Lake Virus.

Facebook Comments