Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang red tide o anumang nakamamamatay na sakit na maaaring makuha sa mga isdang makukuha sa Manila Bay.
Ito’y kasunod ng fish kill na nangyari sa dalampasigan ng Las Piñas at Parañaque.
Giit ng BFAR, namatay ang mga isda roon dahil sa kakulangan ng dissolved oxygen sa dagat.
Ibig sabihin, hindi nakahinga ang mga isda.
Ang mababang salinity ng tubig dagat dala ng malakas na pag-uulan ang nakaapekto sa mga tahong at shellfish.
Una nang iniulat ng bfar na mataas ang lebel ng Ammonia at Phosphate sa dagat na maaaring nakaapekto sa marine life.
Facebook Comments