BFAR, pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa paghahanda ng pagkain kasunod ng napabalitang Coronavirus sa packaging ng frozen seafoods na ibinagsak sa China

Kasunod ng napaulat na natuklasang Coronavirus sa pinagbalutan o packaging ng imported seafood na ibinagsak sa pantalan ng Yantai City sa China, pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na maging maingat sa pagpapanatili ng wastong sanitary practices sa paghahanda ng pagkain.

Sinabi ng BFAR na dapat sundin ang tagubilin ng Department of Health (DOH) pagdating sa food preparation sa gitna ng pandemya.

Lahat ng mga nabiling naka-paketeng food items sa merkado ay dapat ma-disinfect ng alcohol o 0.5 percent bleach solution.


Habang ang mga sariwang pagkain tulad ng gulay, prutas at karne ay dapat linising maigi sa malinis na running water bago ilagay sa storage area.

Dapat ding lutuing maigi ang mga pagkain at ilagay sa safe temperatures bago kainin.

Facebook Comments