BFAR: Presyo at suplay ng bangus at tilapia sa merkado, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyo at suplay ng fresh water commodities sa merkado, tulad bangus at tilapia.

Ito’y sa kabila ng mga ulat na 60% ng mga sinuring bangus ng Department of Science and Technology (DOST) mula sa Mindanao ay nakitaan ng microplastic na posibleng makaapekto sa paglaki ng mga isda.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson & Head, Information and Fisherfolk Coordination Unit Nazario Briguera, sa katunayan aniya walang naitalang pagtaas ng presyo sa bangus at tilapia sa bansa ang ahensya.


Batay sa regular price monitoring ng BFAR sa sampung major wet market sa National Capital Region (NCR), nasa P160 hanggang P180 ang presyo ng medium size ng bangus habang nasa P120 naman ang presyo ng tilapia.

Samantala, sinabi naman ni Nazario na hindi na bago ang isyu pagkakaroon ng microplastic sa mga isda.

Gayunpaman, suportado aniya nila ang ginawang pagsusuri ng DOST sa mga isda dahil wala pang established facts o malawakang pag-aaral patungkol sa microplastics.

Facebook Comments