BFF ng aktress na si Nadine Lustre – nagsalita na sa isyu ng pagiging malapit kay James Reid

Manila, Philippines – Tinapos na ng best friend ni Nandine Lustre na si Mika Tan ang pananahimik nito kaugnay sa pagkaka-link niya sa boyfriend ng aktres na si James Reid.

Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Mika na may mas marami pang malalaking isyu na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pagyakap nito sa kaibigan.

Huwag aniyang bigyan ng malisya ang isang larawan na ibinase lang sa instagram post.


Banta nito, bukas siyang sayangin ang oras sa mga walang magawa pero, huwag lang idamay ang mga kaibigan na itinuturing niyang pamilya dahil handa siyang makipagbasag mukha.

Bago ito, nauna nang dinepensahan ni Nadine ang kaibigan sa kanyang twitter posts kahapon.

Nagsimula ang isyung ito nang makita ang mga larawan nina Mika at James na magkayap.

Facebook Comments