Isang ginang nasagasaan ng bus sa Surigao City

Isang ginang nasagasaan ng bus sa Surigao City. Kinilala ang biktima na si Elda Rementizu Saure, 46 taong gulang at naninirahan sa Sitio Sundo Galinoan, Cagayan de Oro City. Ang nakasagasa ang bus na may plate number VDX 592 na pagmamay-ari ng Bachelor Express Incorporated na minamaneho ni Jerry Sanchez Horga, 42 taong gulang. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ang bus ay galing ng Davao City at papuntang Ormoc City diumano’y dumaan ito ng Surigao Integrated Bus and Jeepney Terminal. Sa alegasyon ng driver ng bus, hindi niya nakita ang ginang noong papasok sila ng terminal, sa pagliko sa kanang bahagi. Sa salaysay naman ng biktima diumano’y sakay siya ng tricycle, noong bumaba na, kaswal siyang naglakad papasok ng terminal nang masagi at masagasaan ng bus, tinamaan ang kanyang kaliwang paa. Tinukoy pa ni Saure na pangyayari natumba siya sa semento. Dinala kaagad ito sa Caraga Regional Hospital para sa pagpapagamot. Sa ngayon ang bus ay impounded pa sa City PNP para sa patuloy na imbestigasyon .

Sent from my iPhone

Facebook Comments