Ayon kay SFO1 Maricar Castillo, Chief Intelligence and Investigation Unit, Chief Operation ng BFP Cauayan, nakapagtala ang kanilang tanggapan ng limang sunog mula Enero hanggang Mayo 2022.
Aniya, nakahanda ang kanilang pwersa sa mga posibleng insidente ng sunog ngunit hinimok nito sa publiko na maging maingat at alerto sa alinmang sakuna.
Payo naman nito sa publiko, ugaliing naka-unplug ang mga appliances kung hindi naman ito ginagamit, ipasuri ang electrical wirings sa mga eksperto lalo na kung ang mga bahay ay may kalumaan na.
Iwasan rin ang kumpulan ng linya ng kuryente at hindi dapat substandard ang mga materyales at akma dapat sa boltahe ng kanilang kuryente.
Gayundin,tiyakin na nakaayos ang mga posporo at lighter na hindi maabot ng sinumang bata para maiwasan ang sunog.
Sa huli, isipin ang kaligtasan ng pamilya para hindi mauwi sa trahedya.