BFP Cauayan, May Bagong Fire Marshal Na!

Cauayan City, Isabela – Gaya ng kanilang sigaw na “We Serve with A Smile” nakangiti ring tinanggap ng mga kasapi ng BFP Cauayan ang pagdating ng kanilang bagong City Fire Marshal na si Fire Senior Inspector (FSI) Jamille Mae Baloran.

Itinalaga si FSI Baloran bilang bagong Fire Marshall sa Cauayan City, epektibo mula January 1, 2018 dahil na rin sa kanyang promosyon at sa bisa ng kasalukuyang polisiya ng BFP na kada dalawang taon ay magkakaroon ng palitan o re-shuffle ng mga city fire marshals.

Sa ekslusibong panayam ng RMN Cauayan News Team sa bagong Fire Marshal, kanyang ibinahagi na bagamat ito umano ang unang pagkakataong hahawak siya ng fire station, tiniyak naman niya na kanyang sisikaping tugunan ng kaukulang serbisyo ang mamayan ng lungsod ng Cauayan kasama ang kanyang mga bagong katarabaho sa Cauayan City Fire Station.


Sa kasalukyan, may apat na firetrucks na pangresponde at may dalawampung tauhan ang Cauayan City Fire Station na nahahati sa dalawang shifts, ang handang maglingkod sa publiko sa oras ng pangangailangan.

Hinihingi naman ni FSI Baloran ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng bawat isa, hindi lamang ng mga nasa hanay ng BFP Cauayan ngunit pati na rin ng publiko, upang maiwasan ang anumang sakuna.

Si Fire Marshal Baloran ay dating nagsilbi sa BFP Region 2 sa ilalim ng admin division.

Facebook Comments