BFP Cauayan, Muling Nagpaalala sa Pagsalubong ng Ligtas sa ‘Bagong Taon’

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection sa Lungsod ng Cauayan sa posibleng sakuna ngayong papalapit ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay F/CI. Pedro Espinosa ng BFP-Cauayan, nakafull alert status ang kanilang hanay hanggang sa darating na Enero 1 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Dagdag pa nito na 18 tindahan ng paputok sa lungsod ang lisensyado lamang na magbenta ng nasabing paninda sa publiko.


Kaugnay nito, magsasagawa naman ng motorcade hanggang bukas ang hanay ng BFP kasama ang ilang ahensya ng Gobyerno para ikampanya ang ligtas na pagsalubong sa bagong taon.

Tiniyak naman ng pamunuan ng BFP na nakaalerto sila magdamag upang agad na maaksyunan ang ilang insidente ng Sunog sa Lungsod.

Hiniling naman ni F/CI Espinosa sa publiko na sumunod sa rules and regulations ng kanilang hanay upang maiwasan ang sakuna at agad na ipagbigay alam sa kanila ang mga taong nagbebenta ng iligal na paputok.

Facebook Comments