Nag-ikot sa lungsod ang mga tauhan ng BFP kasama ang ilan pang ahensya ng gobyerno gaya ng PNP, CCDRRMO, Rescue 922, at Volunteer Fire Brigade na layong ipaalala sa publiko ang kahandaan sa pagdating sa pag-iwas sa sunog.
Bukod dito, magsasagawa naman ng hiwalay na aktibidad ang BFP gaya ng tree planting, pagbibigay ng seminar-workshop sa mga barangay, pagsasagawa ng ocular inspection sa lahat ng mga establisyimento katuwang ang PNP.
Tuloy pa rin naman ang pagbibigay ng libreng disinfection sa lahat ng mga establisyemento na magre-request gayundin sa iba pang tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay Fire Officer 1 Dennis Deondo, tagapagsalita ng BFP Cauayan, mahalaga ang papel ng bawat isa sa pagbibigay ng impormasyon sakaling magkaroon ng sunog upang mabilis na makaresponde ang kanilang hanay.