ILANG TSUPER SA CAUAYAN CITY, HINILING NA TANGGALIN ANG NUMBER CODING SCHEME

Matumal pa rin ang pamamasada ng mga tricycle driver sa lungsod Cauayan kahit nasa P13 pesos pa rin ang pamasahe ng mga pasahero.

Sa panayam ng iFM Cauayan sa ilang driver,pabor umano sila sa P20 pesos na pamasahe bawat isasakay na pasahero.

Ayon pa sa mga tsuper,bihira silang makapagsakay ng dalawang pasahero maliban lamang kung magkamag-anak ang mga ito.

Tumatanggi naman aniya ang ilang madadaanang pasahero,bagay na ikakabawas ng kanilang dagdag-kita.

Nagpadagdag rin sa tumal ng pamamasada ang number coding scheme na ipinapatupad ng LGU.

Facebook Comments