BFP Cauayan, Tiniyak ang regular na Disinfection sa mga establisyimento; Kakulangan ng tauhan, Iginiit

Cauayan City, Isabela-Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng disinfection sa lahat ng mga makikitaan ng may posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Fire Insp. Aristotle Atal, Chief BFP Cauayan, ilan sa mga lugar na kanilang regular na isinasailalim sa disinfection ay ang mga tanggapan ng pulisya, hacienda de san luis at landbank kung saan pinagmumulan ng maraming bilang ng mga tao.

Kabilang din ang cityhall, prosecutor’s office, city library maging ang primark kung saan nakahanay ang pampublikong palengke na dinadagsa ng mga mamimili araw-araw.


Pag-aamin din ni Atal na ilan sa mga tauhan ng BFP ang pansamantalang nakatalaga sa swabbing team sa probinsya ng Bulacan habang ang ilan ay kabilang sa bayan ng Cordon na siyang nangangasiwa sa checkpoint.

Kinumpirma din ng opisyal ang kakulangan ng mga tauhan ng BFP Cauayan na matagala ng hinihiling na madagdagan ang kanilang pwersa.

Facebook Comments