Nakasinding kandila sa altar ang pinagmulan ng sunog kagabi sa KUBO ng caretaker sa loob mismo ng chinese cemetery sa RH-4 nitong Lungsod.
Sa panayam ng DXMY kay BFP-Cotabato City spokesperson FO2 Aldrin Narra, alas 8:20 kagabi nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa sunog na nagaganap sa nabanggit na lugar kaya agad silang rumisponde at agad namang naapula ang apoy.
Sinabi pa ni FO2 Narra na inamin ng may-ari ng bahay na si Anita Villanueva na ang sinindihan nitong kandila sa kanilang altar ang pinagmulan ng sunog.
Dagdag pa ni FO2 Narra na tinayang mahigit kumulang P1,000 ang halaga ng tinupok ng apoy at mga mahahalagang dokumento ng pamilya Villanueva.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ni FO2 Narra ang mamamayan ng lungsod na maging maingat upang maiwasan ang mapaminsalang sunog lalo na ngayong holiday seasons.
Tiyakin anya na ang mga pailaw na ginanamit ay mayroong product standards na kadalasang makikita sa kahon o lalagyan ng mga produkto at kung gawa sa Pilipinas ang produkto ay mayroon itong nakalagay na quality marks na nangangahulugang nakapasa ito sa Philippine National Standard (PNS).
Sakaling imported naman ay dapat rin na mayroon itong Import Commodity Clearance (ICC) certificate at upang mas makasigurado ay maaari magtanong sa tanggapan ng DTI.(Daisy Mangod)
BFP Cotabato pinag-iingat ang publiko kontra sunog ngayong Holiday Season
Facebook Comments