“Mag concentrate sa rescue operations at firefighting.”
Ito ang naging pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan City ukol sa pahayag ni President Duterte na bigyan ng firearms ang mga bombero.
Ayon kay Chief Inspector Georgian Pascua ng BFP Dagupan, nais na muna nilang ituon ang kanilang pansin sa pagrerescue at sa firefighting.
Ngunit kung sakali man na peace and order ang pag uusapan trabaho ito ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Gayunpaman, kung sakaling maipatupad ito tatalima ang ahensya sa kautusan sapagkat supporting bureau umano ito ng AFP PNP kung ang mga ito ay kakailanganin.
Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na marami naman sa kanilang hanay ang marunong bumaril sapagkat parte ito ng kanilang schooling.
BFP Dagupan may apela sa pahayag ni Presidente Duterte ng pagbibigay ng armas sa kanilang hanay
Facebook Comments