Tumulong ang Bureau of Fire Protection Dagupan sa pamamahagi ng relief packs sa mga pamilyang naapektuhan ng Tropical Storm “Maymay” sa ilang barangay nitong Agosto 13, 2026.
Napamahagian ng ayuda ang mga residente ng Barangay Poblacion Oeste, Calmay, Lasip Grande at Pogo Chico.
Isinagawa ang aktibidad kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Dagupan, Philippine National Police (PNP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng relief distribution na agarang maipamahagi sa mga apektadong pamilya ang kanilang pangunahing pangangailangan upang makatulong sa kanilang pagharap sa epekto ng bagyo at pagsisimula ng pagbangon.
Tiniyak naman ng mga ahensiyang nagsagawa ng pamamahagi ang maayos, patas at transparent na distribusyon ng relief goods sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











