LIBRENG SAKAY, INALOK NG PULISYA SA MGA STRANDED COMMUTERS SA LINGAYEN

Agad na tinulungan ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Police Station ang mga stranded na pasahero matapos masiraan ng makina ang isang pampasaherong jeepney sa Domalandan Bridge, Lingayen, Pangasinan.

Namataan ng mga pulis ang nasirang public utility jeepney (PUJ) habang nagsasagawa ng mobile patrol at visibility operations.

Dahil dito, agad silang nagsagawa ng “Libreng Sakay” gamit ang mga police vehicle upang ligtas na maihatid ang mga pasahero patungo sa Lingayen Town Proper.

Ayon sa pulisya, bahagi ang naturang aksyon ng kanilang patuloy na pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente at biyahero, lalo na sa oras ng emergency o hindi inaasahang aberya sa kalsada.

Itinuturing naman itong konkretong halimbawa ng serbisyong publiko na mabilis, maaasahan at direktang nararamdaman ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments