BFP LINGAYEN NAGBIGAY ANUNSYO SA PUBLIKO UKOL SA NARARANASANG MATINDING INIT

*LINGAYEN, PANGASINAN – *Nagbigay ng anunsyo ang BFP Lingayen sa mga residente ng bayan ukol sa mga dapat gawin upang maiwasan ang heat stroke,heat exhaustion at sunog dahil sa nararanasang pag-init ng panahon.
Dito ay kanilang ipinaliwanag ang pinagkaiba ng heat stroke at heat exhaustion upang malaman ng mga residente kung ano bang klase ang kanilang nararamdaman.
Ayon sa DOH para makaiwas sa heat stroke ay ugaliing uminom ng higit sa walong baso ng tubig kada araw.
Samantala, paalala ng bfp sa mga residente na iwasan muna ang overloading sa mga sasakyan dahil mabilis na uminit ang mga ito at maaaring maging sanhi ng sunog.

Facebook Comments