BFP, magsasagawa ng mga programa para maiwasan ang insidente ng sunog ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon

 

 

Tiniyak ng Bureau of Fire Protection o BFP na handang-handa na ang kanilang kagawaran sa anumang insidente ng sunog ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

 

Sa naging pahayag ni Fire Senior Supt. Gernadie Agonos- spokesperson ng BFP, bukod sa information campaign para maiwasan ang sunog, plano din ng BFP na magsagawa ng mga programa tulad ng pagsagawa ng mga concert at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

 

Ito’y para mas lalong maunawaan ng publiko kung paaano at anong dapat gawin para maiwasan ang sunog lalo na’t kabi-kabila ang insidente ng sunog nitong nakalipas na buwan.


 

Kanila din ipapaalala sa publiko ang mga ipinagbabawal na uri ng mga paputok gayundin ang mga lugar na maaaring magsagawa ng fireworks display.

 

Bukod dito, hangad ng BFP ang zero fire incident at zero casualty sa pagsalubong sa taong 2020 kung saan kanila din paalala na mag-doble ingat sa kasagsagan ng selebrasyon.

Facebook Comments