4 na miyembro ng Abu Sayyaf at isang sundalo, napatay sa panibagong enkwentro sa Sulu

318

Patay ang apàt na miyembro ng Abu Sayyaf at maraming bilang ang nasugatan matapos maka engkwentro ang Tropa ng Militar sa Sulu kahapon ng hapon.


 

Sa panig ng militar isa ang nasugatan habang siyam naman ang masugatan.

 

Base sa ulat ng Western Mindanao Command, nakasagupa ng tropa ng 32nd Infantry Battalion at 12th Reconnaissance Company ang may 40 Abu Sayyaf Group members sa ilalim ng pamumuno ni  Sub-Leader Hatib Hajan Sawadjaan.

 

Nangyari ito sa Sitio Tambang, Barangay Kabbon Takas, Patikul.

 

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan bago napilitang umatras ang bandidong grupo dala ang ilang nasawi at sugatang mga kasamahan.

 

Narekober ng Militar sa pinagyarihang lugar  ang naiwang labi ng isang Abu Sayyaf kabilang ang isang  M16 armalite Rifle; at mga personal belongings.

 

 

 

Facebook Comments