Nagbigay ng paalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko ukol sa mga dapat na gawin at mga dapat na pag-iwas laban sa sunog upang ligtas na magdiwang ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Chief provincial operations ng BFP-Pangasinan, INSP Richard Lubo, alinsunod sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon, dapat palaging iwasan ng publiko ang mga panganib sa sunog at ligtas na ipagdiwang ang panahon ng kapanahunan upang magdiwang ng maayos ang kapaskuhan.
Dagdag pa niya, dapat seryosohin ng publiko ang pag-iwas sa sunog bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na gawi sa kanilang mga tahanan lalo na ngayong holiday season para maiwasan ang mga potensyal na maaaring masunog.
Inihayag din ni Lubo, ngayong taon ay na nakapagtala ang BFP-Pangasinan ng 183 insidente ng sunog mula Enero hanggang Disyembre.
Pinayuhan niya ang publiko na regular na suriin ang electrical installation sa kanilang mga tahanan, lalo na ang mga naka-install na Christmas lights.
Dagdag pa niya, dapat iwasan ng publiko ang paggamit ng substandard na ilaw at gumamit ng mga Christmas lights na sertipikado at subok sa kaligtasan, bigyang pansin din ang bilang ng mga kagawaran ng bumbero upang tumawag kaagad sakaling magkaroon ng sunog.
Gayundin, hinimok nito ang publiko na gumamit ng alternatibong sound-making device sa halip na pyrotechnics at fireworks sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Naka-red alert naman ang BFP-Pangasinan sa buong Kapaskuhan at Bagong Taon at nakahanda na ang lahat ng kanilang fire station kasama ang kanilang mga kagamitan sakaling magkaroon ng emergency. |ifmnews
Facebook Comments