BFP nagsagawa muli ng inspeksiyon sa mga boarding house sa lungsod ng Dagupan

Dagupan City – Sa pangunguna ni Bureau of Fire Protection Dagupan City Chief Inspector Georgian Pascua muling naglunsad ng inspection ang BFP Dagupan City sa mga boarding house. Ito ay upang masiguro kung sumusunod ang mga ito sa alituntunin pagdating sa fire safety guidelines. Dagupan City ang isa sa may pinakamaraming paupahan dahil nandito ang ilan sa mga major universities and colleges sa region 1

Partikular na tinignan ng mga taga BFP ang mga saksakan at kable ng kuryente na karaniwang sanhi ng mga sunog. Maging ang mga fire exits sa mga nasabing boarding house ay binusisi din. Aminado naman ang pamunuan ng BFP Dagupan na hirap silang tukuyin ang ibang mga boarding house sa lungsod dahil ang ilan dito ay rehistrado bilang residential houses at hindi paupahan.

Samantala nagpaalala naman BFP na maaring makasuhan ang mga residential houses na mapapatunayang ginagawang itong boarding house alinsunod sa RA 9161 o ang Act of Establishing Reforms in the Regulation of Rentals of Certain Residential Units na may multang 5,000- hanggang 15,000 o pagkabilanggo na aabot sa mahigit anim na buwan.


Facebook Comments