PIA employees association natuwa sa ginagawang imbestigasyon ng PCOO sa kanilang tanggapan

55

Malugod na tinanggap ng Philippine Information Agency Employees Association ang hakbang ni Communications Secretary Martin Andanar na magsagawa ng imbestigasyon ang Presidential Communications Operations Office o PCOO kaugnay sa umanoy katiwalian sa PIA.

 

Sa inilabas na statement ng PIA employees association ay sinabi ng mga ito na isang magandang hakbang ng ginawa ng PCOO dahil nakakaladkad na ang pangalan ng PIA na dapat nang matigil.


 

Umaasa din naman ang mga ito na magiging patas ang gagawing imbestigasyon at mapoprotektahan ang karapatan ng mga mang-gagawa sa PIA.

 

Nabatid na ngayon ay iniimbestigahan si PIA Director Harold Clavite dahil sa umanoy iregularidad na kinasasangkutan nito tulad ng splitiing of contracts, Katiwalian sa produksyon ng information materials at maling paggamit ng pondo para sa hotel accommodation at iba pa.

Facebook Comments

From Advertisers