Naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sampung insidente ng sunog na may koneksyon sa paggamit ng iligal na paputok.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza, Tagapagsalita ng BFP na as of today January 2 ay mayroong na-monitor na sampung fire incident related to firecrakers.
Mataas daw ang bilang na ito kumpara noong holiday season ng taong 2020 at 2021.
Maaari ayon kay Atienza na na-excite ang mga Pilipino sa paggamit ng paputok matapos na hindi ito magawa sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya.
Kaugnay nito, nanatili pa rin sa mga designated firework display ang mga tauhan ng BFP para magbantay, ngunit sa kabuuan aniya ay maayos ang sitwasyon sa mga designated fireworks display.
Facebook Comments