Mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw, mahigit 82,000 na

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw.

Sa kasalukuyang datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 82,023 na ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan ngayong January 2.

Sa naturang bilang, 46,265 dito ay mga outbound passenger at 35,758 ang inbound passengers.


Inaasahan naman ng Coast Guard na dadami pa ang mga pasahero sa mga pantalan mamayang gabi, kasunod ng pagtatapos ng holiday season.

Kaugnay nito, mananatiling naka-heightened alert ang PCG hanggang January 7, 2023.

Facebook Comments