Wala pang naitatala ang Bureau of Fire Protection (BFP) na anumang insidente ng sunog na may kinalaman sa paputok ngayong taon.
Ayon kay BFP Spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza, zero pa rin ang firecracker related incidents.
Pero sinabi rin ni Atienza na nakapagtala sila ng 542 fire incidents ngayong Disyembre sa buong bansa.
Ang pangkaraniwang dahilan ng sunog ay open flame, o paggamit ng sulo, kabilang ang napag-iwanang kandila.
Pinaigting na nila ang kanilang firetruck visibility ngayong holiday season.
Nakipag-coordinate na rin ang BFP sa mga Local Government Units, sa pamamagitan ng mga barangay officials.
Facebook Comments