BFP NATIVIDAD PATULOY ANG IMBESTIGASYON SA NANGYARING SUNOG SA BUNDOK NA BAHAGI NG NATIVIDAD

66

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon na isinasagawa ng Bureau of Fire Protection Natividad ukol sa sunog na nangyari sa bayan ng Natividad partikular sa bundok na bahagi ng Brgy. San Eugenio.

Ayon kay Fire Inspector 1 Ericson Carbonel, nagtagal ang nasabing sunog ng tatlong oras sa nasabing lugar

Dagdag pa nito, hindi na rin sila tumawag ng tulong mula sa ibang BFP Outlet ng mga kalapit na bayan dahil agad din naman nilang naapula ang apoy.

Sa ngayon, inaalam pa ng ahensya ang dahilan ng nasabing sunog sa bayan. | ifmnews

Facebook Comments