Apat na bagong defense at AFP attaches, ide-deploy sa limang bansa

184

Magpapadala ang gobyerno ng limang bagong Philippine Defense and Armed Forces Attaches o PhilDAFAs sa limang bansa.

Ang mga PhilDAFA ang kumakatawan sa Secretary of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff sa ibang bansa na nagsisilbing “contact person” ng iba’t ibang defense at security agencies sa mga bansa kung saan sila nakatalaga.

Kahapon ay malugod na tinanggap ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner ang limang bagong talagang attaches sa kanilang courtesy call sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio.


Sila ay sina:
• Col. Roderick Garcia, PhilDAFA to Thailand
• Col. Joel Lobitaña, PhilDAFA to Malaysia
• Col. Elpidio Factor, PhilDAFA to China
• Col. Rolando Gomez, PhilDAFA to India
• Col. Dennis Q. Alcarde, Philippine Air Attaché to the USA.

Mahigpit ang bilin ni Lt. Gen. Brawner ang mga attache na maging magandang ehemplo ng sundalong Pilipino sa mga bansang pupuntahan nila.

Facebook Comments